Divine Mercy Chaplet - Panimulang Panalangin (Opening Prayer) - [Namumuno:] Sa
Divine Mercy Chaplet - Panimulang Panalangin (Opening Prayer) - [Namumuno:] Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. [Namumuno:] Namatay Ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay lumagalas para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan. [Namumuno:] O bukal ng buhay, na walang Hanggang Awa ng Diyos, balutin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat. [Namumuno:] O banal na Dugo at Tubig na lumagalas mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat. (3x) [Tugon:] Ako ay nananalig sa Iyo. (3x) Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Kredo... “Dasalin sa malalaking butil ng ‘Ama Namin’: Ama na Walang Hanggan, Iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at Manunubos, Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sansinukob. “Dasalin sa maliliit na butil ng ‘Aba Ginoong Maria’: Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap at Kamatayan ni Hesus [Tugon:] Kaawaan Mo kami at ang buong sansinukob. “Sa pagwawakas, dasalin nang 3 ulit ang ‘Trisagion’: Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, [Tugon:] Maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen. (Oratio Imperata) [Lahat:] Makapangyarihan at Mapagmahal na Ama Nagsusumamo kami sa Iyo Upang hilingin ang Iyong patnubay laban sa COVID 19 Na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay. Gabayan Mo ang mga dalubhasang naatasan Na tumuklas ng mga lunas at paraan Upang ihinto ang paglaganap nito. Patnubayan Mo ang mga lumilingap sa maysakit Upang ang kanilang pagkalinga Ay malakipan ng husay at malasakit. Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtan nawa nila ang mabuting kalusugan. Lingapin Mo rin ang mga kumakalinga sa kanila. Pagkamitin Mo ng kapayapaang walang hanggan ang mga pumanaw na. Pagkalooban Mo kami ng biyaya Na magtulong-tulong sa ikabubuti ng lahat, Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Nagsusumamo kami na Iyong ihinto na ang paglaganap ng virus at ipagadya kami sa lahat ng mga takot. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, Iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen. Dumudulog kami sa Iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen. Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, Ipanalangin mo kami. San Rafael, Arkanghel, Ipanalangin mo kami. San Roque, Ipanalangin mo kami. San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami. San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami. - Pagsasarang Panalangin (Closing Prayer) - [Lahat:] Walang Hanggang Diyos, na ang awa ay walang katapusan at ang kabang-yaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong tingnan po kami at palaguin niyo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaring di kami panghinaan ng loob, o kaya’y malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siya ring pagibig at awa din. Amen. - Meditation Song - - Pagbasa ng Mabuting Balita - - Sandaling katahimikan at pagninilay - (Mga Panalangin sa Pang Araw-araw) - Luhod - 1. PANALANGIN PARA SA †SANTO PAPA Panginoong Diyos na Makapangyarihan, pastol at taga-pangalaga ng Iyong kawan, kalugdan Mo at ingatan ang aming †Santo Papa Francisco na Iyong itinalagang mamuno sa Iyong Simbahan bilang Iyong pastol. Nawa patatagin Mo at subaybayan si Papa Francisco upang patuloy niyang maipangaral sa lahat ang mensahe ng awa at pagmamalasakit, ang mabuting balita ni Hesus, sa mga nangangailangan, itinaboy at mahihirap. Aming idinadalangin na ipagkaloob Mong sa pamamagitan ng kanyang salita at halimbawa ay mapaglingkuran niya ang sambayanang sa kanya Mo ipinagkatiwala upang ito ay humantong sa buhay na walang hanggan sa langit. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. - Sandaling Katahimikan - 2. PANALANGIN PARA SA MGA OBISPO AT MGA PARI Hesus, Pari magpakailanman, ingatan Mo ang tanang Obispo at Kaparian sa kandungan ng Iyong kamahal-mahalang puso upang walang makasaling sa kanila. Panatilihin Mong walang bahid ang kanilang banal na mga kamay na sa araw-araw ay humahawak sa Iyong kamahal-mahalang katawan. Panatilihin Mong walang dungis ang kanilang mga labi na araw-araw ay nililinis ng Iyong kamahal-mahalang dugo. Panatilihing malinis at di maka-mundo ang kanilang puso ng may dakilang tatak ng pagka-Obispo at pagka-Pari. Paligiran Mo sila ng Iyong banal na pag-ibig at ipag- sanggalang sa mga maka-mundong bagay. Basbasan Mo ang kanilang gawain ng saganang bunga at nawa'y yaong kanilang pinaglilingkuran ay maging ligaya nila at aliw dito sa lupa, at sa langit sila nawa ang kanilang walang hanggang tagumpay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na nabubuhay ay naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, Iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen. - Sandaling Katahimikan - 3. PANALANGIN PARA SA PAMILYA Panginoon, Ikaw ang Prinsipe ng Kapayapaan. Maghari ka nawa sa bawat tahanan at pagkalooban Mo ng kapayapaan at pag-ibig ang puso ng bawat miyembro ng pamilya. Maisulong nawa ng bawat isa ang pagmamahalang lubos, sapagkat, higit sa lahat, pagmamahal ang siyang dapat mangibabaw sa amin. Hilumin Mo, Panginoon, at pag-isahing muli ang mga pamilyang pinaglayo ng galit, poot at 'di pagkakasundo. Ipaalala Mo sa aming lahat na ang buhay dito sa mundo ay saglit lamang. Matuto sana kami na pahalagahan ang bawat isa, magpatawad at humingi ng tawad. Gabayan Mo kami upang kaming lahat ay humantong sa piling Mo at makamit ang buhay na walang wakas. Amen. - Meditation Song - - Sandaling Katahimikan - (Intercessory Prayers) 1. PANALANGIN KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL Maluwalhating Arkanghel, San Rafael, dakilang prinsipe ng mga hukbong makalangit, magbunyi dahil sa ipinagkaloob mong karunungan at biyaya, patnubay ng mga naglalakbay sa dalatan at karagatan, taga aliw ng mga sawing palad at takbuhan ng mga makasalanan, isinasamo ko sayong tulungan mo ako sa lahat kong pangangailangan at sa lahat ng hilahil ng buhay na ito, gaya ng pagtulong na ginawa mo sa batang Tobias sa kanyang paglalakbay. Yayamang ikaw ang "Manggagamot ng Diyos", buong kapakumbabaang loob kong idinadalangin sa iyo ang kahilingang ito… (tumahimik at ilahad ang mga kahilingan…) at gayun din ang pagkagaling ng aking kaluluwa sa kanyang mga sakit at ng aking katawan sa mga kasamaang nagpapahirap sa kanya, at sa ikabubuti ng mga kapatid naming nangangailangan, ang mga nasa banig ng karamdaman, mga nawawalan ng pag-asa, ang mga may hilahil sa buhay pag-ibig, at ng mga kaluluwa sa purgatoryo lalung-lalo na yaong mga walang naka alaala. Kung ang biyayang ito ay lalong ikabubuti ko at ng sangkatauhan, hinihiling ko lalung-lalo na ang isang kalinisang maka-anghel, upang ako'y maging marapat na buhay na templo ng Espiritu Santo. Siya nawa. Maluwalhating Prinsipe, Rafael Arkanghel, alalahanin mo kami ngayon at kailanman at parati mo kaming idalangin sa Diyos na makapangyarihan sa lahat. Amen. - Sandaling katahimikan - 2. PANALANGIN KAY SAN ROQUE O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran Mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay di maano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Hesukristong Panginoon namin. Amen San Roque, Pintakasi laban sa sakit at salot, Ipanalangin mo kami. - Sandaling Katahimikan - - Awit para kay Maria - - PAGDARASAL NG ROSARYO - Sa Ngalan ng (†) Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. KREDO Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat Na may gawa ng langit at lupa Sumasampalataya naman ako Kay Jesukristo, Iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen Pinagpakasakit ni Poncio Pilato Ipinako sa Krus, namatay, inilibing Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao Nang may ikatlong araw nabuhay ng mag-uli Umakyat sa langit Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat Doon magmumula ang paririto't Maghuhukom sa nangabubuhay At nangamamatay na tao Sumasampalataya naman ako Sa Diyos Espiritu Santo Sa Banal na Simbahang Katolika Sa Kasamahan ng mga Banal Sa Kapatawaran ng mga kasalanan Sa pagkabuhay ng mag-uli Ng nangamatay na tao At sa buhay na walang hanggan, Amen. Ama Namin… Aba Ginoong Maria… (3x) Luwalhati… -Ang mga Misteryo ng Tuwa (Lunes at Sabado)- 1. Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen. 2. Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel. 3. Ang pagsilang sa daigdig ng Anak ng Diyos. 4. Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos. 5. Ang pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem. -Ang mga Misteryo ng Liwanag (Huwebes)- 1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan. 2. Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana. 3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago. 4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor. 5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal. -Ang mga Misteryo uploads/Geographie/ prayer-guide.pdf
-
26
-
0
-
0
Licence et utilisation
Gratuit pour un usage personnel Attribution requise- Détails
- Publié le Nov 24, 2022
- Catégorie Geography / Geogra...
- Langue French
- Taille du fichier 0.0778MB