Session Guide: A&E (Secondary and Advanced Elementary Level) Subject Matter: Sa

Session Guide: A&E (Secondary and Advanced Elementary Level) Subject Matter: Sanaysay References: A & E CORE MODULE ( Secondary: Learning Strand I: Filipino), Internet atFilipino Books) Life Skills: ALS, susi sa pintuan upang makita ang liwanag nang pangarap na inaasam-asam´ Matapos aralin ang modyul na ito, may kakayahan ka nang: 1. maipaliwanag ang batayan sa pagsusulat ng sanaysay2. 2. sumulat ng mabisang parapo gamit ang batayan sa pagsusulat ng sanaysay, at 3. gumawa ng mga parapong introduksyon, katawan at pangwakas.I. Anu-ano na ang mga Alam Mo? Una sa lahat, alamin mo muna kung gaano mo kaalam ang tungkol sa mga tamang pagsusulat ng pangungusap, ano ang tamang gamit ng mga bantas at ang pagsusunod-sunod na pagpapahayagng ideya para makapagsulat ng maayos na essay.I. I. Piliin ang tamang bantas sa pangungusap. 1. Si Manny ` Pacman´ Pacquio ay sikat sa larangan ng boxing__ 2. Saan gaganapin ang pagsusulit ng A&E ngayong taon__ 3. Si Bin Laden ay patay na__ 4. Marami ang activity ang ALS Santa Rosa gaya ng sportfest _ Brigada Eskwela_ at lakbay-aral__ Lagyan ng ( ) ang patlang kung ang lipon ng salita ay isang pangungusap( x) kungito ay parirala. _____ 1. Ang mga taong dumalo sa kasal ng Royal Couple. _____ 2. Mangarap ng mataas at maniwalang kayang gawin ito ang mga sikretoupangmapa-unlad ang sarili. _____ 3.Pangarap ang dahilan kung bakit ang tao ay nagsusumikap sa buhay. _____ 4. Si Manny Pacman´ Pacquio ay ang tinaguriang pinakamayamang congressman sa Pilipinas. _____ 5. Ang Alternative Learning System, Accreditation and Equivalency. II. Motivation: 1. Pagpapakita sa larawan ni Manny Pacquio na suot ang mga belt ng katanyagan at Julaiza Piñeda na nakasuot ng College TOGA, sila ay parehong nakapasa sa A&EExamination. Mga posibleng tanong: a. Ano ang nagtulak sa mga tao sa larawan para makamtan ang katanyagan? b. Kayo rin ba ay mga pangarap? c. Masasabi niyo bang ang mga pangarap niyo ay mabibigyan ng katuparan nagaya ng mga nasa larawan? Sa paanong paraan? ? ! . , III. Lesson Proper: 1. Pagpapangkatin ang grupo sa tatlo at ipagawa ang mga activity: UNANG PANGKA T Bakit Kaylangang Mag-aral? Mahalaga nga ba ang Edukasyon? Sa panahon ngayon ay laganap ang mapagsamantalang tao, madami ngayon ang nanloloko ng kapwa kumita lang ng pera. Kung ikaw ay isang mangmang na hindi naapag-aral, siguradong lapitin ka ng ganitong mga tao! Ang simpleng pagkwenta ng pera ay gagamitin saiyo malamangan ka lang. Kung ikaw ay nakapag-aral may tapang at talino kang mahaharap ang mga ito. Kailangan mong mag-aral sapagkat magiging Sandata mo ito sa mapagsamantalang mga tao. Ang pinag-aralan mo din ang magsisilbi mong lakas upang harapin ang hamon ng realidad ng hirap ng buhay. Kung ika’y nakapag-aral hindi ka matatakot ano mang resesyon ang dumating sa ating bansa. Itorin ang magpapataas ng iyong Moral at Pagkatao. Edukasyon ang tanging kayamanan na hinding-hindi manakaw at maaagaw. Ang pag-aaral ang magsisilbi mong mina ng ginto sa iyong hinaharap, ginto na mag-aahon sa’yo sa kinagisnan mong kahirapan, kahirapang taas noo mong iiwan sapagkat pinahalagahan mo ang iyong pag-aaral. Mga dapat gawin: 1. Iayos ang grupo sa pormang bilog habang nakaupo sa sahig. 2. Pumili ng isa sa grupo na magaling magpaliwanag para irepresenta ang grupo sa harapan. 3. Bawat isa ay inaasahang magpartisipasyon. Mga tanong: a. Ipaliwanag ang mga pananda sa sanaysay. b. Gumamit ng maikling paliwanag. c. Isulat ito sa Manila Paper na may katamkatamang laki para makita ng mga kaklase habangnagpapaliwanag ang reporter sa harapan ng klase. d. Mag-isip ng pamagat ng iyong ginawa. Mga Sagot: a. Ang wastong paggamit ng mga bantas na tuldok ( . ), kuwit ( , ), gitling ( -), tandang pananong ( ? ), at tandang padamdam ( ! ) sa pangungusap. b. Ang wastong paggamit ng matalinghagang salita sa pangungusap. c. Ang mga pangngalang pantangi ay nag-uumpisa sa malaking letra. d. Ang kuwit ay hindi kasama sa pantapos sa pangungusap. e. Batayan sa pagsulat ng sanaysay sa bawat parapo. PANGALAWANG PANGKAT Mga dapat gawin: 1. Iayos ang grupo sa pormang bilog habang nakaupo sa sahig. 2. Pumili ng isa sa grupo na magaling magpaliwanag para irepresenta ang grupo sa harapan. 3. Bawat isa ay inaasahang magpartisipasyon. Mga tanong: a. Ipaliwanag ang mga pananda sa sanaysay. b. Gumamit ng maikling paliwanag. c. Isulat ito sa Manila Paper na may katamkatamang laki para makita ng mga kaklasehabang nagpapaliwanag ang reporter sa harapan ng klase. d. Mag-isip ng pamagat ng iyong ginawa. Mga sagot: a. Nakapasok ang unang salita. b. Gumamit ng margin sa magkabila panig ng papel. c. Ang tamang paghihiwalay ng salita at ang paggamit sa gitling na bantas kung angsalita ay inuulit. d. Bawat salita sa pamagat ay nag-uumpisa samalaking letra. e. Ang pisikal na anyo ng sanaysay. PANGATLONG GRUPO Mga dapat gawin: 1. Iayos ang grupo sa pormang bilog habang nakaupo sa sahig. 2. Pumili ng isa sa grupo na magaling magpaliwanag para irepresenta ang grupo sa harapan. 3. Bawat isa ay inaasahang magpartisipasyon. Mga tanong: 1. Anu-ano ang bahagi ng sanaysay? 2. Ayusin ang mga paliwanag na nakapaloob sa kahon ayon sa pagkasunod sunod nito 3. Magbigay ng halimbawa o sitwasyon na maaring makapagpatotoo sa paliwanag kunin angsagot sa sanaysay sa itaas. 4. Mag-isip ng pamagat ng inyong output Bilang panapos ng iyong panulat, idiin (emphasize) mo dito ang mga punto mula sa iyong Katawan na satingin mo ay hindi dapat kalimutan. Dagdagan mo ng payo o paglilinaw sa mga punto o mga kahilinganng iyong panulat mula sa nagbabasa. a. Bilang panimula ng iyong sulatin kailangan mo munang pahapyawan/ihanda ang iyong mambabasa sakung tungkol saan ang iyong panulat o kaya ay maari mo muna silang iduyan sandali. b. IntrodaksyonIto ay ang pagtutulay o pahapyaw ng iyong titulo patungo sa katawan ng iyong sulatin. Maari ringpatanong ang iyong gagamiting pangungusap upang dagdagan ang pagkagutom sa ka-alaman ng iyongmambabasa c. ang pinaka-laman ng iyong panulat/ mensahe. Dito ay ang iyong paglalahad ng lahat ng iyongsaloobin at katotohanan ukol sa paksa ng iyong panulat. d. Paglalarawan pagdedetalye ng mga pagkakaganap, paglalagay ng mga larawan, kopya ng mga balita atbp. e. Patotoo katulad sa paglalarawan ngunit ito ay ang pagbibigay ng mga katunayan tulad ng istatistiko,mga pinanggalingang dokumento atbp. f. Opinyon paglalahad ng iyong sariling tanaw sa mga nabanggit na paglalarawan, patotoo o ang iyongmga nakikitang kahihinatnan sa hinaharap atbp. IV. Generalization: a. Pagkatapos ng report ipabasa sa lahat ang mga ginawa ng bawat grupo. b. Hayaang magtanong ang mga learners upang mas lalong malinawan lalo naang mga may edad na. V. Evaluation: Gumawa ng sanaysay na ang pamagat ay : Ang Aking Pangarap VI. T akdang Aralin: Sumulat ng sanaynay na may pamagat na ³Ang Aking Inspirasyon Para Makamit Ang Aking Pangarap. uploads/Management/ session-guide 1 .pdf

  • 16
  • 0
  • 0
Afficher les détails des licences
Licence et utilisation
Gratuit pour un usage personnel Attribution requise
Partager
  • Détails
  • Publié le Mai 15, 2021
  • Catégorie Management
  • Langue French
  • Taille du fichier 0.0384MB