COMMENTATORS GUIDE 1. Request Silence – Remind everyone to be quiet as they ent

COMMENTATORS GUIDE 1. Request Silence – Remind everyone to be quiet as they enter the church the house of God is a sacred place. Avoid noise as a sign of respect. 2. Read the intentions offered for the mass. (Blue Book) for thanksgiving, for the sick and for the soul. 3. Read the Liturgical Week or mention if there is any celebration (eg. Feast, Independence Day, week of Advent or Lent) Introduce the celebrant (usually our Parish Priest Rev. Fr. T omasito Veneracion OFM Cap.) and/or visiting priest and request everyone to stand up and start the mass. REMINDERS: a. No need to tell the people when to stand, sit or kneel just a gesture if needed. b. During the consecration, face the altar, kneel or stand, but don’t forget to lead the responses and prayers. c. Voice on all responses should be loud but modulated. d. Wait until the priest finishes his homily before you stand up on the podium. He will ask the congregation to stand up, only then you go up and lead the prayer. e. After the mass is said commentator will follow in the sacristy and until the priest bowed and acknowledged, lectionary etc. mass service is officially finished. f. “Pagsisisi” can be read on the provided T agalog mass guide page 1 and “Paghahanda ng Alay” page 4 when there’s no singing. ANG MISA NG SAMBAYANAN PASIMULA Namumuno: Magsitayo po ang lahat para sa pasimula ng pagdiriwang. Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay inaawit. Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar table. Kung minamabuti niya, ma iinsensuhan niya ito (kung may kapistahan). Pagkatapos ang pari ay tatayo sa ambo para sa panimulang panalangin PARI (P): Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. BAYAN (B) : Amen! P: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’ysumainyong lahat. B: At sumaiyo rin! PAGSISISI SA KASALANAN P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’ymaging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. P & B: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid,na lubha akong nagkasala (ang lahat ay dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P: Kawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo saating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walanghanggan. B: Amen. PANGINOON KAAWAAN MO KAMI P: Panginoon, kaawaan mo kami. B: Panginoon, kaawaan mo kami. P: Kristo, kaawaan mo kami. B: Kristo, kaawaan mo kami. P: Panginoon, kaawaan mo kami. B: Panginoon, kaawaan mo kami. P: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B: Amen GLORIA/PAPURI SA DIYOS (Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit na ito) Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila Mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas- taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. PANALANGIN PAMBUNGAD P: Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, ……………………………………………….. sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.. B: Amen. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS UNANG PAGBASA N: Basahin ang paunang salita sa unang pagbasa. (Pagkatapos ng unang pagbasa) Ang Salita ng Diyos. B: Salamat sa Diyos. PSALMO RESPONSORIO (Maaaring basahin o kantahin ng Koro) IKALAWANG PAGBASA N: Basahin ang paunang salita sa ikalawang pagbasa. (Pagkatapos ng ikalawang pagbasa) Ang Salita ng Diyos. B: Salamat sa Diyos. N: Tayo’y magsitayo bilang paggalang sa Mabuting Balita ng Panginoon ALELUYA (Aawitin ng Koro/ kung hindi aawitin bibigkasin ng namumuno) MABUTING BALITA Ang pari o diyakono ay magdarasal ng pabulong. P: Makapangyarihang diyos, gawin mong dalisay ang aking puso at mga labi upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita. Ang diyakono o mga pari ay paroroon sa pook ng Pagbasa, magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan ng tagapaglingkod na may dalang insersaryo at mga kandila sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad. P: Sumainyo ang Panginoon. B: At sumaiyo rin! P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay …… B: Papuri sa iyo, Panginoon! (Pagkatapos ng Ebanghelyo) P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon! B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo! HOMILYA PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA (Bibigkasin kung nakatakda) Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyayari sa lahat. Doon magmumula't paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan; sa pagkabuhay na maguli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. PANALANGIN NG BAYAN (Ito’y sumusunod sa panahon) Babasahin ng pari ang paunang dasal hanggang tugon uulitin ng commentator at ng magbabasa ng panalangin ng bayan ang tugon. Hihintayin ng tagapagbasa ng Panalangin ang pahuling dasal at sasagot ng Amen bago bumaba ng altar. PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN PAGHAHANDA NG MGA ALAY (Aawit sa Pag-Aalay) Sa mga pagkakataong nauunang matapos ang pag awit maririnig na bibigkasin ng Pari ang sumusunod na panalangin. Huwag kalilimutan bigkasin ang tugon: P: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha…para maging pagkaing/inuming nagbibigay buhay N: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman! P: Manalangin tayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos amang makapangyarihan. N: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal. PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY P: Ama naming Lumikha, ……. sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan N: Amen! PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT P: Sumainyo ang Panginoon. B: At sumaiyo rin! P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B: Itinaas na namin sa Panginoon! P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B: Marapat na Siya ay pasalamatan! PREPASYO AT PAGBUBUNYI P: Ama naming makapangyarihan, …… Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan (Maaring awitin o bigkasin) P & B: Santo, santo, santo Panginoong Diyos na makapangyarihan! Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan! Lumuhod para sa panalangin ng pagpupuri at pagpapasalamat pwedeng nakatayo sa ibaba ng podium at nakaharap sa altar table para sa consecration IWASAN ang pagtalikod sa altar habang isinasagawa ng pari ang consecration. P: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya. (Maaring awitin o bigkasin) B: Si Kristo’y namatay, Si Kristo’y nabuhay Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon. P: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B: Amen! (Maaring awitin o bigkasin) ANG PAKIKINABANG PANALANGIN NG PANGINOON P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling n autos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng lakas-loob (Maaaring bigkasin o kantahin) P & B: Ama naming, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon, ng aming kakanin sa araw araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama. P: Hinihiling naming na kami’y iadya……… B: Sapagkat sa Iyo nagmumula ang kaharian, at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN P: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.” T unghayan mo ang aming pananampalataya at huwag an gaming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B: Amen! P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay lagging sumainyo. B: At sumaiyo rin! uploads/s1/ commentator-x27-s-guide-filipino.pdf

  • 19
  • 0
  • 0
Afficher les détails des licences
Licence et utilisation
Gratuit pour un usage personnel Attribution requise
Partager
  • Détails
  • Publié le Mar 10, 2021
  • Catégorie Administration
  • Langue French
  • Taille du fichier 0.0749MB